orinola boys
Nung bata yung kapatid ko, [hirap siyangbigkasin yung salitang orinola].kung tayo, may nakakapagpabagabag, siya may orinola. as in urinal. anerola, onerola, alirona. ayayayay. hindi mabigkas.
hayskul na kapatid ko, may problema pa rin siya sa nakngtokneneng na orinola na 'to. tawagin ba namang urinary yung urinal. [kuya, mahaba ba ang pila sa urinary?] urinary bladder!!!
siguro, lalake si God. ang galing na innovation nung urinary system ng lalake. para bang maikukumpara sa PC at laptop. yung sa babae, PC; sa lalake, laptop. kahit saan pwedeng gamitin!!
[kakaasar mga taong hindi marunong gumamit ng urinal. ang toilet bowl ay ginawa para sa pwet, hindi para sa ihi.]
nabasa ko sa bathrum humor na mini-book, a gentleman never pees in the bathrum. hehehe. tama nga. sino kayang lalake ang gentleman? ako, out na ko kaagad. naalala ko pa nung hayskul. sinasabay ko sa buhos ng tabo. nasa dorm kase kami, kaya rinig sa kabilang cubicle. ssshhhhh. passsshhh naman, bagsak ngbuhos ng tubig galing sa tabo. bakit nga naman ako lalabas pa kung pwede naman dun sa loob?
pero ang malaking mystery sa akin ay kung bakit kailangang hindi gamitin ang mga urinal na inimbento ng tao para sa pag-ihi. sinong mokong kaya ang nakaimbento ng urinal? sa mga kumag namang hindi marunong gumamit ng orinola, mabuti sana kung binubuhusan nila ang toilet bowl bawat gamit nila. yan tuloy, sa dorm, masusuka ka muna sa amoy ng kanilang ihi sa bowl bago ka matae. holy shit, piss pala.
pero speaking of urinal... [malas talaga ako dyan sa pink urinal na pinatayo ni Bayani].nung unang beses akong gumamit, natodas ako ng mga holdaper. swak ang magandang mata ko. buti hindi nangitim, namula lang, parangnamake-apan lang ni ricky reyes. tapos nung bday ko, shit, the curse continues... gumamit ako, tapos kinuwento ko na sa mga kasama ko yung nangyari sa kin last tym kong gumamit ng pink urinal...at after ilang minutes. tsaraaan... hayan na si holdaper, naghihintay kaming holdapin.
buwisit na orinola yan. yan tuloy, naiihi na ako.